5 / 5 / 2012 @ 12:01
(source: kitkatrivera)
lola basyang
komiks
kwento
pilipino
illustration
ObraRivera
KitkatRivera
Iniibig ko nga ba ang Pilipinas?
Ito ang lupang aking sinilangan/dati ito ang lupang sinilangan ng aking mga kababayan (na ngayon ay pinagkakakitaan ng maraming dayuhan)
Naging tahanan ng aking lahi (na pinaghirapan ang bayan at ipnagpunyagi)
Ako’y kanyang kinukupkop tinutulungan upang maging malakas, masipag at kapaki-pakinabang (oo para makapagtrabaho ako sa ibang bansa at kumita ng maraming pera)
Diringgin ko ang payo ng aking mga magulang (kapag ako ay may kailangan)
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan (at makikipaglandian)
Tutuparin ko ang tungkuling ng aking mga mamamayang makabayan? At masunurin pa nga ba sa batas?
Paglilingkuran ko ang aking Bayan (kung mataas ang sahod) nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan (kung bibigyan ako ng credit)
Sisikapin kong maging tunay na Pilipino sa isip [panaginip], salita (yabang) at sa gawa (ay tutulog muna ako… puyat sa kaka-chat eh}.
*Pasintabi (sa pambansang panunumpa) hindi ko ginawang biro para sa kalokohan ng aking mga kababayan. Gusto ko lamang ipahayag ang pangyayaring nagaganap at mamulat sa katotohanan ng isang panata ng aking kababayan. Ewan ko, biglaang naisip ko na lamang kung ano nga ba ang nangyayari sa panunumpa ng nating mga Pilipino at kung papaano ginagawa ito lalo na sa panahong malaki na ang ipinagbago natin sa pamumuhay.
Ikaw may sarili ka (pa) bang panata?
Bilib talaga ako sa kapwa ko katoliko na nagsakripisyo taun-taon sa Itim na Nazareno. Biruin mo, gabi pa lamang inihahanda na ang sarili at hindi na yan matutulog upang abangan sa madaling araw ang poon. Walang laman ang sikmura, hanggang sa gabi, walang banyo-banyo, kain at tulog mahawakan lang ang isang parte ng inukit na poon.
Matinding singaw sa madaling araw dahil sa hndi mapatakang karayom ang paligid. Gitgitan, balyahan, upakan, apakan, punasan at pananamantala. Lahat ng uri ng tao, isama mo ang ugali nito kanya-kanyang hiling na gustong makamit.
Kung kayo ay isang panatiko ng lumang pelikulang Pilipino, matatandaan sa eksena ni Nora aunor sa ‘Himala’ na inamin niya na hindi siya tunay na nanggagamot. Kung inyong mapapansin, yung dalawang eksena na bago mangyari ang pagbaril sa kanya ay ramdam mo ang depression ng kanyang kababayan upang mapagaling lamang, samut-sari ang ibinebenta sa isang gilid. At ang ikalawang eksena, na kung saan nagkagulo ang mga tao at parang wala silang Elsang nakilala.
Parang maihahambing ko iyon sa pangyayaring naganap ngayon.
Matapos ang dinaanan ng prusisyon, santambak na basura, marumi, may nabalian, nasaktan, hinimatay at nawalan ng kagamitan. Ang sa akin lamang… Nasaan na ang respeto ng aking kababayan? Mas matutuwa pa ako kung lahat ng nakikita kong pumunta sa prusisyon ay magdasal sa poon, magbalik-loob sa Panginoon.
At mas bilib na talaga ako sa debotong matapos magsakripisyo ay balik muli sa dating gawi (dating gawi ng pagnanakaw, pandaraya, pananamantala).
Habang natagal ang tradisyon sa prusisyon it leads to frustration. Trust me, dahil nga sa hirap ng buhay ngayon ay mas lalo akong nangangamba sa mga taong ang kagustuhan ay gumaling at matupad ang hangarin sa buhay.
Pumunta man o hindi nawa’y pinalakas nito ang ating paniniwala sa sarili. Paniniwala sa sarili na kaya natin ang lahat ng unos na daraan sa ating prusisyon ng buhay.
:)
Mabuhay ka kapwa Pilipino, mabuhay ang itim na Nazareno!
Gusto ko this time naman yung mga bloggers naman ang gagawan ko ng obra. Pero hindi ko alam kung sino.
Kayo, kung gusto nyo msg me and pwede ko kayong gawan. Kung anong style karikatura, doodle, o yung tunay na mukha mo pa yan. Kahit hindi ko fino-follow dito keribels lang. (^^,)y
Gusto kong may mapasaya ako bago matapos ang taon na ito :)
Noon: Ang paglilinis ng bahay, kasilyas at bakuran ay isang libangan.
Ngayon: Stressed ka, hindi mo na mapalitan ang punda ng unan mo, nanlilimahid na ang kaldero sa itim nito.Maglinis ka naman oh.
Noon: Sungka, luksong baka, mataya-taya, lutu-lutuan at bahay-bahayan ay masaya ka na. Nakapag-exercise ka pa.
Ngayon: Paupo-upo, PSP, DOTA, chat at pa scroll-down scroll-down ka sa harap ng computer screen mo.
Noon: Pinag si-siesta ka ng lola o nanay mo. Ayaw mo.
Ngayon: Sa kagustuhang matulog eh hindi pu-pwede, tatapusin mo pa yung defense mo, takdang aralin, research work, report mo… Haaay susmaryosep, huwag ka munang makipag-chat at mag-logout muna. Unahin mo ang mga takdang aralin at iba pang importanteng gawain. Now na cheng :)
(Source: kitkatrivera)
Upang makatulong sa matagumpay na paglinang ng kakayahang pampanitikan ng kasalukuyang henerasyon.
Naglalaman ng matalinhagang salita. Ang mga ito ay makatutulong sa mga kabataan sa pagkakaroon ng maalab na kawilihan sa pagbabasa, masuring pag-unawa, matalinong pagpapakahulugan, at pagpapahalagang Pilipino. Inaasahan ding ito ay magiging epektibong bihikulo sa paglinang ng iba pang mga kasanayan sa pagbasa.
Mahalin ang panitikang Pilipino.
❞Kadangyan - Babanam
“Gumising ka na at maghilamos, Pilipinas! Masarap ang almusal!”
— Bob Ong, Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?
Magandang umaga mga ka-tribo, soundtrip muna tayo (“,)
…And here we go again, hindi talaga mawawala ang pampupuna nating mga Pilipino.
For sure na maraming nakakaalam ng isang ice cream commercial na sa tuwing babalatan eh nagpo-produce ng music ni Mr. Rez Toledo. Dahil sa commercial na yaon. At paniguradong dahil sa telebisyon eh alam na ito ng taong masa.May nabasa akong comment sa video niya:
“autotune… ang tanong, alam nyo ba kung bakit ginagamit ang autotune? eh ang subwoofer? synthesizer?
Eh yung kpop na mga ini-idolo nyo? hindi ba sila gumagamit nito???
C’mon PINOYS open your freakin’ and rotten mind. Ang astig nga ehh, parang pwedeng pakinggan ng dayuhan yung kanta.
I support OPM let’s support this song and the artist.”
At hindi maiiwasan ang hate messages, bashers, at mga kung anek-anek pang kesyo ayaw nila ang kantang iyon. Ang Pop music naman kasi hindi maiiwasang gumamit ng autotune, subwoofer at synthesizer (at kung anek-anek pang pwedeng mapaganda ang isang kanta). Ehhhhwan ko ba kung bakit…
Ah basta.
Eto nalang ang masasabi ko sa ugali nating mga kababayan ko. Kung kailan sikat at kilala na sa ibang bansa ang OPM artists natin, eh dun lamang natin sinasabing PROUD TO BE PINOY.
“Let’s face the reality, the crab mentality.” -KatRivera
Somedaydream… Hanggang pangarap na lamang.
(Source: kitkatrivera)
(Source: kitkatrivera)