(Source: kitkatrivera)
Ikaw ba yung tipong naghahanap ng quality blogs o yung nagmamakaawang ipacheck ang blog? Ano itey? pagsusulit sa paaralan na kailangang chekan?
Anak ng bituka sa baka, wala yaan sa ganda ng mga litrato, kung gaano kalaman yung kwento, banat at kung gaano kabongga na may kalidad ang isang blog. Yaan ay nasa sa tao, oo, ikaw mismo. Ikaw yung may quality.
Kay gaganda nga ng nakikita sa blog mo pero ang ugali mo naman parang pinotoshop. Ay susmehh wag na lamang.
Hindi ito istasyon sa isang telebisyon na puro mukha na lamang ang basehan. Basta kahit maikli at simple, ang mahalaga ay nakakarelate ka sa mga pinopost mo at nire-reblog mo.
Live journal mo ito cheng, parang diary mo. Yun nga lang may mga chismosa/chismoso…
Sige pormalan natin kahit papaano, mga taong concern sa iyo (kung mayroon man).
Ah basta. Pasintabi na lamang sa mga kumakain, getching mo na yan teh. Hehehhh