Read my mind. Open my mind.
Asocena

Pasintabi na lang sa mga kumakain sa harap ng compuster screen.

Grabeh yung kuwentuhan nung daddy ko at tito ko kanina sa baba. Ang sabi ng tito ko sa probinsya daw nila, ginagawang pulutan iyon at binibili nila sa halagang mga limandaang piso dahil mas mura daw ito kaysa sa kambing. Minsan eh ang paraan ng pagluluto ay pang kaldereta. At arooo juskoo pati utak daw eh bibiyakin tapos eh isinasama sa sahog.

Eto ang matindi, hindi daw pansin ang karne ng kambing sa aso kapag hinalo na sa iisang luto. Grabeh, sa isip-isip ko, papaano pa yung mga kupal na ang gusto ay makalamang sa pagbebenta ng mga karne sa palengke? Eh hindi malayong hinahaluan ng karne ng aso ang mga kanre ng baboy. Pero kahit sa kalapit na bansa natin ay kinakain din naman ang Asocena, yun nga lang ipinagbabawal na talaga ang pagkain nito dahil na rin sa lakas ng rabis na mayroon ang aso. Kahit ano pang linis, pakulo at luto ang gawin kung dumadaloy talaga sa kalamnan ng aso ang rabis na dala nito.

Sabi pa ng tito papaano pa kaya sa Baguio na talamak ang bentahan ng karne ng aso mas maraming nandadaya ng kanre ng baboy sa karne ng aso at dahil na rin sa lamig ng klima doon eh malakas ang bentahan talaga. Tapos bumanat pa ang tito ko na “Gusto mo kuya sampolan natin yung isa sa mga aso [yung aso namin] para malaman mo yung lasa.” T*r*gis, kahit maingay at mahirap pakainin dahil sa dami ng mga aso namin eh mahal na mahal ko sila. Kahit offeran mo pa ako ng isang milyon para kumain ng aso, hindi ako kakain, sayo na lamang ang isang milyon mo.

Sa kabilang dako… 

Ayan, maulan na, sa tuwing umuulan at wala ako dito sa bahay eh tindi ng pagaalala ko. Mabuti andirito ang tito ko at yung 2nd cousin ko para kahit papaano eh may magbabantay ng bahay. 

Lalarga na mamaya para sa Zumba class. Arriba, ciao, arivederci, adios. .. 

Kung may mensahe o tanong binuhay ko ulit ang TA ko.



Hindi na talaga sigurado ngayon ang kinakain mo, kahapon lamang ito.
Katabi nito eh mga taong nakapila sa fx. So isipin nyo na lamang yung mga gabok na pumapaspas sa pagkaing ito. Hmmm libre alikabok :)

Pancit Canton?
Ito na ata ang pambansang ulam ng naghihirap na Pinoy. Sa mahal ng galunggong, sa taong masa, ito ay pang-fiesta na!
Isa ito sa paborito kong pagkain. Manyaman ini!

Masarap ito kapag ibinabad sa kapehhhh. Hehhh.

Sulit ang ibabayad mo sa Ma Mon Luk!