Read my mind. Open my mind.
Dinggin ang ating musika

Simula nang tumungtong ako sa aking pamantasan at magaral sa larangan ng musika, ay unang bumungad sa akin ang teknikal na pagbasa, pagsulat, at dinggin ang hulwarang ritmo ng piyesa. Ngunit ano ang unang pambungad na maririnig kapag tutugtog na ang aming propesor… himig sa kanlurang bahagi ng ibang bansa. 

Sa mga piyesa kong tinutugtog ngayon ay halos galing sa kanluran at walang galing sa ating Bayan [required para sa level examination]. Napansin ko lamang na kung pambungad ay babad na ako sa musikang dayuhan, eh papaano na lamang yung kay Juan? Sa totoo lang mas marami pa akong alam na western music [isama mo na ang pop dyaan] kaysa sa kundiman at modern OPM songs natin [nahihiya naman ako sa mga ninuno naten mehehe]. 

Ewan ko kung bakit nasasabi ko ito. Dahil narin siguro umay na umay na ako sa western classical music na tinutugtog ko at gusto ko namang marinig ang sariling atin… yung ethnic, puro percussion, at kundiman na halos nasa minor key [siyempre laging nasa minor key]. 



[Flash 9 is required to listen to audio.]
51 plays

Bandila [tribu]

Pula, asul, puti at dilaw

May kasamang tatlong bituin at haring araw

Katapangan yaong sinag ay hinding-hindi matitinag

Kulay ng watawat sa ugali ay isiwalat

Lahing kayumanggi ay iyo namang ipagmalaki at ipagpunyagi

Dahil dugong dumadaloy ay tila nagliliyab na apoy

Pula, asul, puti at dilaw

May kasamang tatlong bituin at haring araw

Bandila natin ay parang isang guryon

Na lilipad-lipad sa paglipas ng panahon

  • Musikang inilapat Tribu - Kadangyan

(Source: kitkatrivera)


Hey Autotuner

…And here we go again, hindi talaga mawawala ang pampupuna nating mga Pilipino.

For sure na maraming nakakaalam ng isang ice cream commercial na sa tuwing babalatan eh nagpo-produce ng music ni Mr. Rez Toledo. Dahil sa commercial na yaon. At paniguradong dahil sa telebisyon eh alam na ito ng taong masa.May nabasa akong comment sa video niya:

“autotune… ang tanong, alam nyo ba kung bakit ginagamit ang autotune? eh ang subwoofer? synthesizer?

Eh yung kpop na mga ini-idolo nyo? hindi ba sila gumagamit nito???

C’mon PINOYS open your freakin’ and rotten mind. Ang astig nga ehh, parang pwedeng pakinggan ng dayuhan yung kanta.

I support OPM let’s support this song and the artist.”

At hindi maiiwasan ang hate messages, bashers, at mga kung anek-anek pang kesyo ayaw nila ang kantang iyon. Ang Pop music naman kasi hindi maiiwasang gumamit ng autotune, subwoofer at synthesizer (at kung anek-anek pang pwedeng mapaganda ang isang kanta). Ehhhhwan ko ba kung bakit… 

Ah basta.

Eto nalang ang masasabi ko sa ugali nating mga kababayan ko. Kung kailan sikat at kilala na sa ibang bansa ang OPM artists natin, eh dun lamang natin sinasabing PROUD TO BE PINOY.

“Let’s face the reality, the crab mentality.” -KatRivera

Somedaydream… Hanggang pangarap na lamang.

(Source: kitkatrivera)