Velada Tomasina
Ang bunuin at magtagal nang higit apat na raang taon ng pamantasang ito ay hindi lang ang matuto upang magamit sa iyong propesyon. Ang pagiging Tomasino ay bahagi ng buhay sa araw-araw, inspirado, malalim ang pananaw sa buhay at may kanyang aking galing na kayang maipadama sa iba. Hindi ko alam kung bakit sa tagal ko sa pamantasang ito ay ngayon ko lamang naramdaman ang pagiging Tomasino ko.
Marahil kaya ko lamang nadama ito dahil sa pagsubok na nararanasan ko sa mga nagdating na buwan. Ngayon ko nadama ang pagiging tomasino dahil sa kapwa tomasino ko :} na walang halong pagiimbot at pagmamayabang sa aking sarili.
Ang katagang Tomasino ay hindi yan dahil sa ang isang estudyante na nakapag-aral at nakapagtapos sa pamantasang ito. Dahil ang Tomasino ay isang gawain na ibinabahagi ang kanyang nalalaman sa loob ng pamantasan.
Matatag na pamantasan na nagtagal sa gitna ng dumaang mga digmaan, unos at sari-saring batikos. Viva el Tomasino Viva Santo Tomas :}
tagged as: ust. tomasian. tomasino. viva el tomasino.
-
theyoungengineer liked this
-
killjoynanilalang liked this
-
kitkatrivera posted this