Kailangan bang paaminin pa ang mga taong kasapi sa komunidad nila? Kahit amoy mo na sila ay panatilihin pa rin ang respetong nararapat sa kanila. May mga ibang katulad nila na gustong magkapamilya, magka-anak at maraming ganito sa lipunan natin… na hindi kailangang paaminin.
Dahil mayroon tayong tinatawag na privacy, privacy sa kanyang iniisip, ginagawa, at pananaw sa buhay. Huwag pilitin ang ayaw. Kailangan bang lahat nilalantad? Minsan kasi kapag lantatran na ang nais mo sa isang tao ay parang inagawan mo na rin silang magdesisyon para sa kanilang mga buhay.
Malaya ang taong magmahal, magsaya, at higit sa lahat ay maging totoo sa kanilang sarili [kahit hindi sa harap ng madla… ang mahalaga ay totoo siya sa kanyang nararamdaman]. Minsan kasi, sa mundong mulat ang lipunan sa dalawang kasarian lamang ay hindi na nabibigyan ng karapatan ang mga nasa sinasabing third sex.
Paulit-ulit na ang tina-type ko [siguro para hindi mo makalimutan na tao din ang mga to].
tagged as: lgbtq.
-
kitkatrivera posted this