Bilib talaga ako sa kapwa ko katoliko na nagsakripisyo taun-taon sa Itim na Nazareno. Biruin mo, gabi pa lamang inihahanda na ang sarili at hindi na yan matutulog upang abangan sa madaling araw ang poon. Walang laman ang sikmura, hanggang sa gabi, walang banyo-banyo, kain at tulog mahawakan lang ang isang parte ng inukit na poon.
Matinding singaw sa madaling araw dahil sa hndi mapatakang karayom ang paligid. Gitgitan, balyahan, upakan, apakan, punasan at pananamantala. Lahat ng uri ng tao, isama mo ang ugali nito kanya-kanyang hiling na gustong makamit.
Kung kayo ay isang panatiko ng lumang pelikulang Pilipino, matatandaan sa eksena ni Nora aunor sa ‘Himala’ na inamin niya na hindi siya tunay na nanggagamot. Kung inyong mapapansin, yung dalawang eksena na bago mangyari ang pagbaril sa kanya ay ramdam mo ang depression ng kanyang kababayan upang mapagaling lamang, samut-sari ang ibinebenta sa isang gilid. At ang ikalawang eksena, na kung saan nagkagulo ang mga tao at parang wala silang Elsang nakilala.
Parang maihahambing ko iyon sa pangyayaring naganap ngayon.
Matapos ang dinaanan ng prusisyon, santambak na basura, marumi, may nabalian, nasaktan, hinimatay at nawalan ng kagamitan. Ang sa akin lamang… Nasaan na ang respeto ng aking kababayan? Mas matutuwa pa ako kung lahat ng nakikita kong pumunta sa prusisyon ay magdasal sa poon, magbalik-loob sa Panginoon.
At mas bilib na talaga ako sa debotong matapos magsakripisyo ay balik muli sa dating gawi (dating gawi ng pagnanakaw, pandaraya, pananamantala).
Habang natagal ang tradisyon sa prusisyon it leads to frustration. Trust me, dahil nga sa hirap ng buhay ngayon ay mas lalo akong nangangamba sa mga taong ang kagustuhan ay gumaling at matupad ang hangarin sa buhay.
Pumunta man o hindi nawa’y pinalakas nito ang ating paniniwala sa sarili. Paniniwala sa sarili na kaya natin ang lahat ng unos na daraan sa ating prusisyon ng buhay.
:)
Mabuhay ka kapwa Pilipino, mabuhay ang itim na Nazareno!
tagged as: deboto. pilipino. pinoy. nazareno. manila. himala. elsa. nora aunor. tradisyon. prusisyon.
-
dianediane liked this
-
potskilove liked this
-
kitkatrivera posted this