KitKat Rivera

Create your badge

Liping kayumanggi. Kinalalagyan bandang timog silangan.

Na-indak ng may hulwarang ritmo, sa sariling anino. Buksan ang aking isipan, nang iyong malaman.

Music, art, dance and life.

ang walang magawa sa buhay

Bilang iyong kaibigan
Anu man ang pagdaanan
Iyo itong malalagpasan
Loob mo’y lalong tibayan
-
Maaaring isang pagsubok
Minsan naman ay dagok
Huwag bibitaw, kaunting pukpok
Maaabot mo rin ang tuktok
-
Akala mo ay nasa kumunoy
Sa buhay, dapat lang ay tuluy-tuloy
Lakas ng loob, dapat ay dumadaloy
Sa kalamnan, parang may apoy

#SpokenWord

Minsan ay mas nanaisin ang mapag-isa
Kaysa sa makasama ang kapwa
Na puro panlalait at panghuhusga
Walang ginawa, kung hindi pag-usapan ang iba
-
Ako’y may sariling diskarte
Hindi rin naman marunong mag-inarte
Pero kung diwa ko ay yaong dinadale
Aba, hinay-hinay sa salitang kakaiba kung umatake
-
Ang tao, laging may positivity
Palaganapin daw ang equality
Hindi ko naman mawari
Kung umasta, nasaan ang maturity?
-
Asaan na ang sinasabing respeto?
Kung hindi mo magawa sa kapwa-tao
Mas masarap pa na magpanggap na bobo
Kaysa sa nagpapanggap na matino
-
Sa iba, ito’y walang katuturan at isang katatawanan
Mga salitang minsan dinadaan sa kalokohan
Ngunit sa isang taong makakabasa nito
Maaaring makarelate sa tulang ginawa ko
-
Namnamin ang bawat salita
Lasapin mula sa aking diwa
Pinagtagpi-tagping mga tula
Baka makatulong rin sa kapwa
-
Ito’y napaka-random
Dahilan na rin siguro ito ng gutom
Pero kung hindi ilalabas ang saloobin
Baka tuluyang lamunin
-
Akala mo ay laging may tension
Yun pala ay isa ng depression
Siguro’y isang paraan ng expression
Upang magkaroon sa sarili ng progression
-
This is my way to creativity
To construct these words like a poetry
Para sa akin ay isang ecstasy
Isang escape na rin sa reality

#LinePerLine #SpokenWord #KwentongKATribo #PoetryJam #TULAla #Pusakalye #PusaKAT

Ang aura at radar ay tunay namang nagrerehistro… Sana joke lang ang mga ito… Ang kaso, laging nagkakatotoo. Kusang lumalabas at nakikita sa kapwa ko

Tunay man yan o hindi
Gamay ang bawat ngiti
Bawat tabas sa pagngiwi
Ramdam ang hulma ng labi

Hindi ito isang entablado
Maging natural lamang sa harapan ng kapwa mo
Kahit pa piliting pagtakpan
Rerehistro pa rin ito sa’yong katauhan

Nangangati ang isipan
Minsan sa tula idinadaan
Sa kapwa, ito ay magsilbing gabay
Maging tapat, ang hangarin sa iba’y maging tunay

Purong hangarin ng isang tao
Kusa itong rerehistro
Subalit kung nagiging mapagkuyari
Kahit ano’ng mangyari, hindi na maikukubli

Sana’y mas pairalin ang pagrespeto
Dyan ka mamahalin ng kapwa mo
Hindi base sa kung ika’y maganda o gwapo
Nagsisimula yan sa karakter at pagkatao

#Rehistro #Pagkatao #TunayAtTapat #Tula #LinePerLine #PuntoPorPunto #SilenceHasAMeaning #PositiboKatribo

Kahit anu man ang mangyari, ituloy lamang ang nasimulang pangarap. Huwag bibitaw, kailangan ay kayanin. Panibagong araw, panibagong pag-asa, panibagong panimula… Kung hindi man naging epekitibo ang dating estilo sa inaasam-asam na munting pangarap… Mas mainam na samahan at timplahan ng atakeng maging #positibo. Hindi masama ang sumubok ng ibang mga bagay-bagay sa buhay, lalu na kung ang mga ito ay makatutulong upang mahubog ang iyong katauhan, mahulma at maging daan upang maging ganyak ang mga ito sa iyong inaasam-asam na pangarap.

Minsan, aakalain natin na ibang landas ang tinatahak natin. Aakalain natin na ang mga ito ay isang mga pampagulo lamang. Naiiba ang interes paminsan-minsan. Subalit maaaring ang mga ito ay isa lamang sa mga sangkap upang makatulong na yumabong ang ating sinimulan na pangarap.

Huwag bibitaw sa nasimulan. Bagkus ito ay pagbutihan. Hindi man naging matagumpay sa una. Sa sipag, tyaga at muling pagkabuhay sa sistema ng iyong katauhan, ay muling manunumbalik ang iyong dating sigla sa diwa.
_______________________________________________________

Isa lamang itong munti at maikling pagsalaysay
Sa iyong makulay na buhay
Kailangang kayanin
Ang mga suliranin at sarili’y hubugin
-
Kakayahan ay unti-unting hubugin
Sa dulo, ikaw ay ngingiti rin
Maging positibo, oh aking katribo
Napakalawak ng mundo at pangarap mo

#AgostoKATribo #BuwanNgWika #WikaAngDiwa #PositiboKATribo

Mga taong lagi nating nakikitang masaya, maligaya o kaya naman ay laging nagbibigay ligaya sa kapwa. Kung minsan, sila pa ang mas nangangailangan ng kaunting kaligayahan sa buhay… Nakakubli ang lungkot at pighati sa damdamin. Tumatagos ito sa diwa at pilit na inililihim…

Subalit kung isusumamo natin ang pagkubli ng pagkalumbay. Dalawa lang ang maiisip ng tao, marahil ay isang paraan ng katapangan upang hindi na maka-apekto sa kapwa-kaluluwa. Ikalawa, ay maipon ito sa kaloob-looban ng katauhan, at hayaang patayin ang diwa mo.

Minsan ay dumarating sa puntong… Tinatawag ng karamihan ay depresyon at patungo sa anxiety…

Ang simpleng pagpapahalaga at pakikinig sa isang kapwa-kaluluwa, ay isang hakbang lamang upang mailigtas ito sa matinding pagkalumok, sa kanyang pinagdaraanan… Maaaring maiwasan at maisalba ang isang kapwa na blanko ang katauhan. Isipin na lamang natin na ang bawat taong nakakasalamuha natin, nakakasalubong at nakikilala ay may pinagdaraanan sa buhay.

Bakit tila maraming ikinukubli?
Nabubulag na nga ba tayo sa TV?
Minsan, mas pinagtatakpan ang katotohanan
Dahil mas nilalasap natin ang matatamis na kasinungalingan
-
Panalangin sa mga nasawi
Marami ang kapwang nagpipighati
Panalangin para sa mga may armas
Na dinadaan palagi sa dahas
-
Itigil na ang pag-todas
Wala sa kamay ang batas
Delubyo ay nadadagdagan
Sa mundong puno na ng karahasan

#TULAla #KwentongKATribo #TulaKuno #Karahasan #Katotohanan #Kasinungalingan

Minsan, mas masarap lang ang naka shut-down. Parang blanko lang. 

Pero, hindi eh, hindi naman kasi isang materyal na bagay ang buhay ng tao. May emosyon tayo. May nararamdaman, at may purpose sa mundong ito… Minsan, ang puso, diwa, damdamin at sistema ng katawan ay napapagod din. Parang computer lang, kailangang i-shut down para hindi ma-sobrahan, para mas lalong tumagal. Paminsan-minsan ay kailangan ding ma-reboot ang sistema ng ating isipan. Maglinis ng files sa ating memorya, at tanggalin ang mga maaaring maging sanhi ng virus sa ating mental, emosyonal at ispiritual na pangangatawan. At higit sa lahat ay kailangang pagkaingat-ingatan upang hindi masira… 

Hindi tayo robot. 

#KwentongKATribo #Text #Post

Minsan, mas masarap lang ang naka shut-down. Parang blanko lang. 

Pero, hindi eh, hindi naman kasi isang materyal na bagay ang buhay ng tao. May emosyon tayo. May nararamdaman, at may purpose sa mundong ito… Minsan, ang puso, diwa, damdamin at sistema ng katawan ay napapagod din. Parang computer lang, kailangang i-shut down para hindi ma-sobrahan, para mas lalong tumagal. Paminsan-minsan ay kailangan ding ma-reboot ang sistema ng ating isipan. Maglinis ng files sa ating memorya, at tanggalin ang mga maaaring maging sanhi ng virus sa ating mental, emosyonal at ispiritual na pangangatawan. At higit sa lahat ay kailangang pagkaingat-ingatan upang hindi masira… 

Hindi tayo robot. 

#KwentongKATribo #Text #Post

Look Up

I have 422 friends, yet I am lonely.
I speak to all of them everyday, yet none of them really know me.

The problem I have sits in the spaces between,
looking into their eyes, or at a name on a screen.

I took a step back, and opened my eyes,
I looked around, and then realised
that this media we call social, is anything but
when we open our computers, and it’s our doors we shut.

All this technology we have, it’s just an illusion,
of community, companionship, a sense of inclusion
yet when you step away from this device of delusion,
you awaken to see, a world of confusion.

A world where we’re slaves to the technology we mastered,
where our information gets sold by some rich greedy bastard.
A world of self-interest, self-image, self-promotion,
where we share all our best bits, but leave out the emotion.

We are at our most happy with an experience we share,
but is it the same if no one is there.
Be there for you friends, and they’ll be there too,
but no one will be, if a group message will do.

We edit and exaggerate, we crave adulation,
we pretend we don’t notice the social isolation.
We put our words into order, until our lives are glistening,
we don’t even know if anyone is listening.

Being alone isn’t the problem, let me just emphasize,
that if you read a book, paint a picture, or do some exercise,
you are being productive, and present, not reserved or recluse,
you’re being awake and attentive, and putting your time to good use.

So when you’re in public, and you start to feel alone,
put your hands behind your head, and step away from the phone.
You don’t need to stare at your menu, or at your contact list,
just talk to one another, and learn to co-exist.

I can’t stand to hear the silence, of a busy commuter train,
when no one wants to talk through the fear of looking insane.
We’re becoming unsocial, it no longer satisfies
to engage with one another, and look into someone’s eyes.

We’re surrounded by children, who since they were born,
watch us living like robots, and think it’s the norm.
It’s not very likely you will make world’s greatest dad,
if you cant entertain a child without a using an iPad.

When I was a child, I would never be home,
I’d be out with my friends, on our bikes we would roam.
We’d ware holes in our trainers, and graze up our knees;
we’d build our own clubhouse, high up in the trees.

Now the parks are so quiet, it gives me a chill
to see no children outside and the swings hanging still.
There’s no skipping or hopscotch, no church and no steeple,
we’re a generation of idiots, smart phones and dumb people.

So look up from your phone, shut down that display,
take in your surroundings, and make the most of today.
Just one real connection is all it can take,
to show you the difference that being there can make.

Be there in the moment, when she gives you the look,
that you remember forever, as when love overtook.
The time you first hold her hand, or first kiss her lips,
the time you first disagree, but still love her to bits.

The time you don’t need to tell hundreds, about what you’ve just done,
because you want to share the moment, with just this one.
The time you sell your computer, so you can buy a ring,
for the girl of your dreams, who is now the real thing.

The time you want to start a family, and the moment when,
you first hold your baby girl, and get to fall in love again.
The time she keeps you up at night, and all you want is rest,
and the time you wipe away the tears, as your baby flees the nest.

The time your little girl returns, with a boy for you to hold,
and the day he calls you granddad, and makes you feel real old
The time you take in all you’ve made, just by giving life attention,
and how your glad you didn’t waste it, by looking down at some invention.

The time you hold your wife’s hand, and sit down beside her bed
you tell her that you love her, and lay a kiss upon her head.
She then whispers to you quietly, as her heart gives a final beat,
that she’s lucky she got stopped, by that lost boy in the street.

But none of these times ever happened, you never had any of this,
When you’re too busy looking down, you don’t see the chances you miss.

So look up from your phone, shut down those displays,
we have a finite existence, a set number of days.
Why waste all our time getting caught in the net,
as when the end comes, nothing’s worse than regret.

I am guilty too, of being part of this machine,
this digital world, where we are heard but not seen.
Where we type and don’t talk, where we read as we chat,
where we spend hours together, without making eye contact.

Don’t give in to a life where you follow the hype,
give people your love, don’t give them your like.
Disconnect from the need to be heard and defined
Go out into the world, leave distractions behind.

Look up from your phone, shut down that display,
stop watching this video, live life the real way.

Isang factor kung bakit napapansin ng kapwa dito

Napakadalang ng mga personal na larawan, napinopost sa blog/account kong ito

Mas nais manahimik at maging pribado 

Patungkol sa personal na buhay na ito

-

Ang iba sa mga post ko

Ay bahagi lamang ng makating isipan ko

Idinadaan sa mga munting likhain

Na parang isang libro, sa mambababasa ay inihahain

-

At dahil sa palabas na napanood ko

Muling pinairal ang tulang ito

Kaysarap na muling magbalik sa nakaraan

Upang buhayin ang lumang nakagawian

-

Saglit na lalayas sa di makatotohanang mundo

Bubuksan ang pinto, patungo sa realidad ng buhay na ginagalawan ko

Sa kinauupuan, ako’y tatayo

At wawakasan ang tulang nilikha ko

- ObraRivera KitkatRivera

[‪#‎Buhay‬ ‪#‎Simple‬ ‪#‎Teknolohiya‬] 


Pikit-Mata

Nakakapanlinlang kung minsan
Ang mga matang nagbubulag-bulagan
Sa mundong halos nilalamon ng kasinungalingan
Iniiwasan ang tamis at pait ng katotohanan
-
Sino ka ba sa mundong ito?
Makakabuti o makasasama ba ang epekto?
Mga bagay na konektado sa kapwa mo
Laging nagkukubli sa sariling anino
-
Sino ba ang tunay na baliw?
Ang lagi mong kinukutya at ginagawang aliw?
Hindi masama ang magbiro 
Kung makakabuti ito sa kapwa at maging sa’yo
-
Kung hindi mawari at maintindihan
Kaunting preno at katahimikan
May salita at gawa na ang tawag ay RESPETO
Yan ang laging ibuhos sa diwa at isipan mo
-
Huwag hayaang mabulag sa matatamis na kasinungalingan
Mas mainam na ang masampal ng mapapait na katotohanan
Mga atake sa kapwa, iba ang datingan
Wala sanang bahid ng plastikan

 #TULA #TULAla #Barabas #Wagas #KunyaringMakata #MakataKuno #TulaKuno #MakatingIsipanSaMgaSalitaIdaan #SalitangSaltikan 

Pikit-Mata

Nakakapanlinlang kung minsan

Ang mga matang nagbubulag-bulagan

Sa mundong halos nilalamon ng kasinungalingan

Iniiwasan ang tamis at pait ng katotohanan

-

Sino ka ba sa mundong ito?

Makakabuti o makasasama ba ang epekto?

Mga bagay na konektado sa kapwa mo

Laging nagkukubli sa sariling anino

-

Sino ba ang tunay na baliw?

Ang lagi mong kinukutya at ginagawang aliw?

Hindi masama ang magbiro 

Kung makakabuti ito sa kapwa at maging sa’yo

-

Kung hindi mawari at maintindihan

Kaunting preno at katahimikan

May salita at gawa na ang tawag ay RESPETO

Yan ang laging ibuhos sa diwa at isipan mo

-

Huwag hayaang mabulag sa matatamis na kasinungalingan

Mas mainam na ang masampal ng mapapait na katotohanan

Mga atake sa kapwa, iba ang datingan

Wala sanang bahid ng plastikan

 #TULA #TULAla #Barabas #Wagas #KunyaringMakata #MakataKuno #TulaKuno #MakatingIsipanSaMgaSalitaIdaan #SalitangSaltikan